01.
happy first monthsary baby ! .. alam mo naman kung gaano kita kamahal diba? .. gagawa ako ng paraan para mapasaya kita lagi, as in lagi gamit mga corny kong jokes, kasi ayaw kong nakikita kitang malungkot. gagawa ako ng paraan para 'di ka magsawa sa'kin, sabihin mo lang baby kung may problema ha? gagawa agad ako ng paraan para matapos na 'yun. sorry nga pala doon sa mga araw na hindi kita kinakausap. sorry kasi nagkukulang ako ng oras na dapat kasama kita. baby, sorry rin kasi may mga salita akong sinasabi na hindi na maganda, minsan sobra na 'yung mga sinasabi ko at saka pasenya na rin sa pagiging makalat at pagiging makulit ko lalo na 'yung pagungol ko sa dms, kjskjskjskjskjs, pero ayos lang naman 'yun sayo diba? hshshshshsh. pero lagi mong tatandaan na nandito lang ako lagi sa tabi mo, kung may kailangan ka sabihin mo sa'kin ibibigay ko 'yun agad sayo. kung nangangamba ka na iiwan kita may iba ako .. nah, hindi 'yun mangyayari, ako na nagpromise sa'yo diba na ikaw lang yung babae na mamahalin ko ikaw lang, ikaw. kaya kung nagiisip ka ng ganyan hindi 'yun totoo baby, hindi. basta lagi mong tandaan ha, mahal na mahal na mahal kita. pero mahal ko rin si mogu syempre hshshshshshs biro lang one half ksjksjkjskjs, 'wag mo na awayin si mogu ang payat na nga eh 'di kasi pinapakain ni bryle, kasi si bryle mismo yung kumakain ng pagkain ni mogu, jk lang. basta baby tandaan mo lagi na andito ako. jesus loves you ! .. i love you, baby.
02.
baby ! .. dalawang buwan na rin pala nakakalipas simula noong niligawan kita, ehe. andami na rin palang problema na dumaan pero ito, tayo parin. baby ! happy second monthsary .. pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito ~ amp corny. joke lang baby. eto na talaga. sorry kasi 'yung oras ko 'di ko na mabigay sayo ewan ko ba masyado ko kasing tinutukan 'yung alam mo na 'yun baby .. sorry talaga. 'di ko na uulitin 'yun alam mo ba baby? binasa ko 'yung letter ko sa'yo noong first monthsary natin .. alam mo ba kung ano nangyari sakin? nabakla ako .. joke lang baby, nagsisisi ako na hindi ko nabigay 'yung oras ko sa'yo, ewan ko ba kung ano pumapasok sa isip ko kaya ganoon. pero baby babawi ako sayo .. babawiin ko 'yung mga oras na nasayang ko. sabi mo diba namiss mo na 'yung mga pangungulit ko kaya simula ngayon araw araw na kitang aawayin hshshshshshsh, joke lang baby araw araw na kitang spam ng messages. katulad ng mga jokes kong corny, mga tanong ko na nakakabubu, lyrics ng kantang malimali naman hehe at mga luto ko na 'di ko alam kung pano ko ba niluto yun? hshshshshs, 'di ko din alam. diba baby sinabi mo gusto mo ng bata? .. soon pa 'yun, 'wag muna ngayon bata pa tayo eh, ksjksjksjksj. pero may sinabi ako sayo na surprise diba? .. surprise ! eto na 'yun. pupunta tayo ng paris ! sagot ko na 'yung ticket. doon tayo magcelebrate 'yung tayo lang dalawa .. kasi gusto muna kitang masolo. baby, excited na ko ! .. joke lang po. naalala mo 'yung sinabi ko sa'yo dati na huwag kang magalala 'di kita iiwan, 'di kita papalitan kasi ikaw lang mahal ko. ikaw lang talaga. kaya baby 'wag ka ng mangamba ha kasi ikaw lang naman talaga eh kahit ano pang mangyari, ikaw lang talaga. baby, sana masaya ka ngayong araw, kapag 'di ka masaya malulungkot ako. baby kung may problema man 'wag mo kalimutang sabihin sakin ha .. kasi gagawa ako ng paraan para matapos 'yun. kung malungkot ka, papasayahin kita lagi kasi gusto ko laging nakikita mga ngiti mo, kaya kung may problema man, smile ka na. baby, kung pagod kana, 'wag naman .. gagawa ako ng paraan para 'di ka magsawa sa'kin. haba na ng message ko pwede na ba gumawa ng libro? .. hshshshshshsh. happy second monthsary ulit ! .. lagi mong tatandaan na jesus loves you .. i love you, always. alessandra isabella louise ashley venice amia mikaella shane choi macaraig.
03.
hoy ikaw ?! .. oo ikaw binibini ! .. yung puso ko !!! sa'yong sa'yo na 'yan. huwag mo ng pakawalan ha .. pero baby, itlog, sandra at kung ano pa man 'yan .. happy third monthsary !!! halos tatlong buwan mo na 'kong inaaway kaya simula ngayon ikaw naman aawayin ko. pero syempre joke lang 'di kita kayang awayin eh .. kaya papakiligin na lang kita araw araw. 'yun na nga .. baby, thank you sa pagtitiis sa mga kakalatan at kakulitan ko kahit alam kung gustong gusto mo na kung kagatin ay .. (paluin kasi). kasi nanay kita .. ksjksjksjkjs. joke lang po ulit. eto na seryoso na. baby, salamat kasi sa oras na malungkot ako basta makita lang kita nawawala na 'yung lungkot na 'yun. salamat kasi kahit na andami ko ng pagkukulang andyan ka pa rin 'di mo ko iniiwan. salamat kasi lagi kang nandyan sa tabi ko. kaya gustong gusto ko talaga bumawi sayo eh, gusto kong bawiin lahat ng pagkukulang ko. i love you sandra. binibini ko. dahil sayo 'yung simpleng araw ko laging nagiging special #rebisco. baby 'di ko na 'to papahabain gusto ko lang sabihin na 'wag mo kong iiwan 'di ko kaya na mawala ka. sandraq, grrrr .. i love you na talaga. happy 3rd monthsary, binibini ko.
06.
happy 6th monthsary sa'tin babybabab ko andaming nangyari nitong buwan na 'to 'no? isa isahin ko pa ba? hehe. haist, masyadong madami eh. sorry medyo simple lang muna 'tong gawa ko para ngayong motmot natin, alam mo naman may taglay akong? kapogi— oo, katamaran. pero 'wag ka mag-alala babawi ako sa susunod, ajujuju. haist, alam mo ba na isa sa mga achievement ko ngayon buwan yung makaganti sa'yo sa pangaaway mo sa'kin? legit yung tawa ko kapag naaasar ka na, yung ano sasabog na, joke lang. tapos biglang tampo, syempre eto ako todo suyo. tapos magpapacute sa'yo. tapos eto naman ikaw rupok na rupok, hshshshshshshs ay na buking s'ya eh. okay, tama na pangaaway ko. baka motmot na motmot magrambulan na naman tayo sa .. toot ! toot ! hoy ?! joke lang ikaw ha anong iniisip mo? masama 'yan, ajujujuju. eto seryoso na talaga. babybabab! thank you, sa lahat lahat ng ginagawa mo para mapasaya ako araw araw kahit simpleng bagay man 'yan na-appreciate ko 'yun, ajujujuju .. nahawa na 'ko kay axis bal. thank you, dahil kapag alam mong may problema para kang si superman andyan agad. ang dami kong alam shet. andami ko ng nalalaman sa'yo alam mo ba 'yun, dati naman di ako nagmumura. pero ngayon .. ewan ko na lang. ikaw kasi eh napaka bad influence, joke lang. bait bait mo kaya, joke lang din. wala na kong masabi nasabi ko na naman lahat ata? diba? tuwing umaga. sinasagot ko yung mga tanong mo? sa totoo nga 'di yung tanong eh, sinasagot ko lang para mapagaan ko yung loob mo. dami kasi iniisip eh, tigil na yan ha? mahal na mahal kita babybabab ! dito ka lang ha, dito ka lang sa'kin. ipaparamdam ko sa'yo yung pagmamahal na kailangan mo. ang drama na puchaks. i love you, alessandra eana louise ashley mekailla trischia macaraig altamirano .. ang haba. kahit sino pa 'yang anyo mo, kahit maging fc mo pa buong itzy, izone, loona .. 'wag naman sana, kahit sino pa 'yan. mahal pa rin kita. happy 6th monthsary sa'tin, i love you. ajujujuju !
07.
hi babybabab ! happy 7th monthsary sa'tin. dami ko na palang endearment sa'yo, sayang nga eh nakalista pa naman 'yun sa mala-powerpoint presentation ko na message nung 4th monthsary natin, kaso 'yun nga napakabitter ni titter sa'tin. sorry bab napaka walang effort nitong message ko sa'yo para ngayong buwan, 'lam mo naman ang kinakaharap ko na crisis .. puchaks. sorry na lumaki akong burara eh, mamatay akong burara .. may kasabihan pa nga 'ko. 'yun pasensya na pero asahan mo na babawi ako sa susunod 'pag 'di na 'ko burara at tamad. ocakes ito na talaga 'yung pakay ko bab kung ba't ba 'ko naririto sa harapan mo ngayon, kasi wala ako sa likod mo .. uhm gets mo? #pilosopo. amp pero sige ito na magpapakaseryoso na 'ko sa sasabihin ko. bab .. a-ano buntis ako bab ikaw ang ama. joke lang ano ka ba, diba napakascam ko sabi ko seryoso na eh .. okay direct take two tayo. bab, salamat sa lahat. sa totoo lang buwan buwan naman ako sa'yo nagpapasalamat kaya asahan mo na na paulit-ulit lang 'tong sinasabi ko sa'yo. ang daming dumaan na problema ngayong buwan napapadalas 'yung pagaaway?? joke hindi, hindi tayo nagaway, pero 'yung pagiging topakin ko oo. sorry noong mga nakaraang linggo napapadalas yung topak ko bab, ewan ko ba 'di ko din alam kung ba't ba 'ko nagkakaganon. pero ang swerte ko kasi kahit na 'di mo na alam 'yung nangyayari sa'kin, eto ka pa rin gumagawa ng paraan para maayos 'yung bagay na 'yun. kaya salamat bab. asahan mo 'di na ko totopakin, pipigilan ko na. 'yun lang bab wala na 'kong masabi, siguro ito na lang. salamat sa lahat lahat mapaanong bagay man 'yan na binibigay at pinapadama mo sa'kin 'yun lang. mahal na mahal kita. napakaiyakin ko pala no? ksjsksjsksjsksj .. 'pag nagloloko 'yung selpon agad sabi ako sa'yo na baka mawala ako, katulad nitong lunes lang. hays nako wala lang dinagdag ko lang dito wala na talaga kasi akong masabi eh. basta bab ngayong nasa japan tayo enjoy na lang natin dalawa 'tong linggong 'to na solo natin ang isat-isa, okay? okay ! dito na lang bab 'di ko na 'to papahabain pa, baka maging libro na 'to, joke. 'yun lang lagi mong pakatandaan ha, na mahal na mahal kita aelamtma ( pinaikli ko na lang, haba ng pangalan mo bab ) happy 7th monthsary babybabab. i love you !
08.
commercial : “hi ashley, may gusto sana akong sabihin .. uh crush kita.” .. tapos napunta na sa pag-send [ko] ng meme [sa'yo] , napa-amin tuloy [ako] ng wala sa oras.
pero ito na nga, kaya ako nandito sa harapan mo para sabihin na ; salamat .. sa pag-mamahal, pag-titiis at pag-unawa sa'kin sa loob ng walong buwan. 'di ko inakala na aabot tayo dito, totoo 'yun. andaming dumaan na problema-pagsubok, maliit o malaki man 'yan. hinarap natin 'yun at na-lampasan natin ng mag-kasama. wala eh gano'n kasi tayo kalakas, sabi nga natin “wachi lang malakas” .. kaya, 'di ko siguro mal-lampasan ang bawat problema kung 'di kita kasama sa pagharap n'on. 'di ko na 'to papahabain, sapat na siguro 'yung pagp-pasalamat ko sa'yo kasi 'di ka bumitaw, nagsawa at napagod sa'kin. sorry, medyo nahuli na 'ko sa pa-ganito ko. lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita sagad. magiging mabait muna ako at [ako] ngayong araw, kasi injel ako .. injel kremdensada. 'yun lang dito ko na 'to tata-pusin walang bibitaw ha? gusto na kita makasama habang buhay eh. i love you, alessandra eana louise ashley mekailla trischia macaraig cortez altamirano .. sagad.